Kahalagahan ng Talento
kilala sa Barangay San Felipe ang Mag-anak na Geronimo sa kanilang talino sa sining.Madalas naaanyahan ang mag-asawang Geronimosa mga kasiyahan, sapagkat pareho silang magaling umawit at sumayaw.Si G. Geromimo naman ay binibiro pa ng kaniyang mga kaibigan na ginoong pinagpala dahil bukod pa sa kaniyang galing sa pagsayaw at pag-awit ay magaling din siyang gumuhit.
Isang araw nag-anunsiyo ang kapitan ng barangay na magdaraos ng paligsahan sa ibat-ibang talento para sa mga kabataan edad pito hanggang labin tatlo.Maraming nakuhang insponsor ang barangay kaya malaki ang premyo.Tamang-tama naman,sa talong anak ng mag-asawang Geronimo,dalawa sa kanilang anak ay nanalo na sa paaralan sa ibat-ibang paligsahan sa sining.Si Rio ang panganay ay magalling sumayaw at si Rian naman ay magaling umawit.Ang bunso na si Ryan,pitong taong gulang,ay kinakitaan na nilang magaling gumuhit.Namana nito sa kanilang ama ang galing sa pagguhit.Dahil dito,sinabihan ng mag-asawa ang kanilang bunso na sumali na rin sa paligsahan ng barangay,suabalit agad itong tumangi sapagkat hindi pa niya nararanasang sumali sa kahit anong paligsahan.
''Ano kaya ang gagawin natin sa ating bunso?'' may pag-aalala ang tinig ng nanay.
"Alalayan muna natin at kuwentuhan natin siya tungkolkahalagahan sa paggamit ng talentong ibinigay sa kanya ng Diyos,'' ang pagmungkahi ng ama.
Niyaya ng mag-asawa ang bunsong anak sa ibang lugar na maraming ibon sa paligid at may malaking aquarium na may ibay ibang isda."Tingnan mo ang mga ibon at isda,anak.Pareho-pareho ba sila ng ginagawa?Pare-pareho ba sila ng kakayahan?"Ang tanong ng ama kay Ryan."Hindi po",ang sagot naman ng anak.Nakattutulong ang mga ito sa atin?"Opo," ang sagot ni Ryan habang tinitigan ang mga hayop na binabanggit ng ama.
"Ikaw din ay binigyan ng diyod ng talento na kakaiba sa mga kapatid mo.Dahil ang ating mga talento ay magagamit natin sa kapaki-pakinabang at malikhaing gawin,at ang bunga nito ay ang pag-unlad ng talento natin na makakatulong sa kaunlaran ng tahanan,pamayanan,at sa daigdig."
"O,ano,sasali ka narin sa paligsahan,anak?tanong ng ina,"huwag kang matakot,anak,sa simul alang mahirap."Pag nasanay ka na,matutulad ka rin ng kuya at ate mo na mananalo sa mga paligsahan."
"O sige po,pag-uwi ko sa bahay, magsasanay na ako sa pagguhit,"ang tugon ng bunso nilng si Ryan.
Sumali nga sa paligsahan sa sining ang tatlong mga bata.Si Rio sa pag-sasayaw,Si Rian sa pag-aawit,at si Ryan sa pagguhit.Dahil tinitukan ng mag-asawa ang pagsasanay ng kanilng tatlong anak,pare-parehong nanalo ang mga ito,Ang dalawa mas matanda ay parehong unang gatimpala,at si Ryan,dahil unang pagkakataon pa lamang niyang sumali at medyo may alinlangan pa sa kaniyang talento sa pagguhit,ay nakakuha lamang ng ikalimang puwedto.
"Di bale,mula ngayon,magsasanay na ako sa susunod,unang gantimpala ang makukuha ko."
"Diyan ka magaling!" ang sabay-sabay na sigaw at tawanan ng buong mag-anak.
Ang Talento ay isang yaman kung saan ay ipinagkaloob ng Diyos para sa atin ang kahalagahan nito ay nakakatulong ito para maipakita ang kakayahan natin, malinang ang ipinagkaloob ng Diyos, magamit sa mabuting paraan.